Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gloria naghubo, Isabelle naloka

0 413

Naloka at nakaramdam ng insecurity si Isabelle Daza sa paghuhubad ng ina sa social media. Hindi napigilan ni Isabelle na biruin at tuksuhin ang mommy niya na kinabog siya nito sa kanyang sexy cover noon sa Rouge Magazine.

Paano naman kasi hubo’t hubad o walang saplot na nag-pose ang unang Pinay Miss Universe sa video post nito sa kanyang Instagram. Nakalublob sa tubig na may mga petal ng roses si Gloria kasama ang isa pang babae. Tinatakpan lang ni Gloria ng kanyang mga kamay ang magkabilang dibdib niya para hindi malantad sa mga netizen.

Bahagi ng bakasyon nito sa The Farm ang paglublob ni Gloria para ma-rejuvenate ang kanyang katawan. Kahit na nga hindi lantad ang buong kahubaran ng veteran actress, nawindang pa rin ang anak nito sa pagiging daring ng ina, na kailanman ay hindi niya ginawa.

Sa pagkakaalam namin hanggang bathing suit ang nagawang ibahagi ni Isabelle sa kanyang socmed, kaya ito naloka sa pagiging hubadera ni Gloria.

Dawn ‘di ikinahihiya ang mga uban

Kung ang ibang mga artista o mga ordinaryong tao ay pilit na itinatago ang isang senyales ng pagtanda, gaya nang pagkukulay ng buhok para takpan ang mga ‘uban’, taliwas `yon dahil ipinangangalandakan pa ni Dawn Zulueta ang kanyang mga puting buhok.

Pinanindigan na nga ni Dawn na huwag magkulay ng kanyang mga puting buhok para hindi malantad ang kanyang pagtanda. Sa kanyang mga Instagram post, may mga close up pa si Dawn na nagpapakita ng mga puting buhok niya.

Makikita rin ang parang highlight na mga white hair sa kanyang buhok.

At hindi isyu sa kanyang mga follower ito, na walang nakikita sa itsura ng aktres kundi ang kagandahan nito na hindi kayang patandain ng mga puting buhok niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kahit GCQ na wala pa ring anumang post si Dawn na bumisita siya sa hair salon, ‘di gaya ng ibang mga star na ilang beses na ngang nagpaayos ng kanilang mga buhok at mukha.

Marco hinamon ang basher

Kahanga-hanga ang magkapatid na Michele at Marco Gumabao dahil sa malasakit nila sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Mula sa Marikina, umabot na ang magkapatid sa Isabela para magbigay ng relief goods, pagkain.

Nakaposte sa Instagram ng magkapatid ang mga kuha nang pagpapakain nila sa mga residente ng Reina Mercedes.

Pero may mga kumuwestyon sa pinaniniwalaang pagpapabida ng magkapatid, na ayon sa isang follower nito na si @oahu_ever na hindi dapat pinu-post at ipinagmamalaki sa socmed ang pagtulong kung minsan lang ito. Sinagot naman ito ni Marco at sinabing ilang beses na silang nag-out reach. Hamon pa ni Marco sa netizen sumama ito para mag-volunteer.

Jed nagtitinda ng sardinas

Humanay na nga si Jed Madela sa mga kapwa niya ASAP artist bilang mga maker, seller ng mga sardinas. Nagbebenta na nga ng sardinas si Jed ngayong wala pa syang regular TV show at mga singing assignment.

Isa sa mga nasampolan ng sardinas nito ay si Martin Nievera na nagpasalamat sa kanyang Instagram kay Jed dahil sa pagpapadala nito ng sardines na may brand title na “Madd”.

Bukod dito meron ding ibinebenta si Jed na natikman na ni Martin.

Well, kaliga na nga si Jed ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, Pokwang at Vina Morales na nagbebenta ng sardinas.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.