Una sa Balita

Gloria manhid sa patama ni Digong – Ping

By
0 743

NAGING kuwestiyo­nable kay Senador ­Panfilo ‘Ping’ Lacson ang sinasabing suporta ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga legislative agenda ng Pangulong Rodrigo Duterte gayong kinalikot pa rin nito ang aprubadong 2019 national budget.

Ayon kay Lacson, kung talagang bukal sa kalooban ng liderato ng Kamara ang mga bukambibig nito ay dapat sumunod ito sa ninanais ni Pangulong Duterte na isumite sa tamang panahon ang 2019 General Appropriations Act (GAA).

Sinabi pa ni Lacson na dapat ay maramdaman agad ni Arroyo ang patama sa mismong mensahe ng Pangulo na hindi nito lalagdaan kung may nilalaman na iligal ang 2019 national budget.

“Speaker Arroyo said she is in full support of the President’s agenda but look at what they have done,” ani Lacson.
“What I can’t understand is why the House leadership cannot take the hint from President Duterte himself. It’s bad enough that the House would do this without any consultation, and whimsically, arbitrarily, realign such funds to pet projects,” sabi pa nito.

Samantala, ikinatuwa naman ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III ang naging pahayag ng Pangulo na hindi nito lalagdaan ang isinumiteng kopya ng Kamara na 2019 GAA na ­siyang pirmado ni Arroyo.

Pinag-aaralan na rin ng kanyang mga ­legal team, ayon kay ­Sotto, kung may ginawa ngang realignment ang liderato ng Kamara sa ratipikadong 2019 ­budget.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy