Una sa Balita

Gloria kulelat kina Digong, Leni, Sotto

By
0 641

NANGULELAT si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at nakapagtala ng pinakamababang marka sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno sa approval and trust survey ng Pulse Asia.

Umiskor si Arroyo ng 27 percent approval rating at 21 percent trust rating.

Sa kabila naman ng mga negatibong kritisismo ay mas lalong ­tumaas ang approval at trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ­pagtatapos ng 2018.

Batay sa survey ng Pulse Asia na ginawa noong Disyembre 14 at 21, tumaas ng anim na porsiyento ang puntos ng approval rating ng Pangulo mula sa dating 75 percent noong Set­yembre 2018 at naging 81 percent.

Ang trust rating naman nito ay 76 percent, mas mataas ng apat na ­puntos kumpara sa nakuha nito noong third quarter ng 2018.

Ayon sa Pulse Asia, nakakuha ng halos perfect score ang Pangulo na approval at trust rating sa Minda­nao at pinakamababang rating mula sa National Capital Region (NCR).

Kapwa nakakuha ng isang porsiyentong pagtaas sa approval ratings sina Vice President Leni Robredo (62%) at Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III (74%), habang sa trust rating ay 56% si Robredo at 66% naman si Sotto.

Ayon sa Pulse Asia, ang mga ginamit na isyu sa survey ay ang conviction ni dating First Lady Imelda Marcos, ang conviction ng tatlong pulis sa pagpatay kay Kian delos Santos, ang pag-absuwelto kay da­ting Senador Bong Revilla sa kasong plunder, ang kabiguan ng Kongreso na maipasa ang 2019 proposed national budget at ang pagbisita sa bansa ni Chinese President Xi Jinping.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy