Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gloria hugas-kamay sa Sara Lakas VP bet

0 269

Hugas-kamay ang liderato ng Lakas-CMD sa naging desisyon ni Vice Mayor Sara Duterte na tumakbong bise presidente sa 2022 elections.

Sa pahayag ni Lakas-CMD President at Majority leader Rep. Martin Romualdez, nilinaw nitong simula pa man ay buo at solido ang suporta ng partido sa anumang posis­yong national na tatakbuhan ang alkalde.

Ang ideya umanong pagtakbo ng presidential daughter bilang pangalawang pangulo ay hindi umano kailanman galing o nagmumula sa liderato ng Lakas partikular kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, president emeritus ng Lakas-CMD.

“The idea of her running as Vice President did not originate from Former President Gloria Macapagal Arroyo,” paglilinaw ni Romualdez.

Bukod dito, wala ring umanong ipinatawag na meeting o anuman pulong sa pagitan ni Arroyo at ng alkalde sa Balesin, Quezon at maging ang pagpapunta kay dating Senador Bongbong Marcos. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.