Una sa Balita

Gloria binastos ang mga taga-Batanes

By ,
0 1,151

Binatikos ni Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang pagtalaga ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kay Pangasinan Rep. Rosemary Arenas bilang bagong caretaker sa Batanes.

Ayon kay Pangilinan, ang desisyon ni Arroyo ay malinaw na parte ng partisan politics at paghihiganti sa opposition parties.

Hindi rin anya iginalang ni House Speaker ang alaala ni dating Batanes Rep. Dina Razon-Abad dahil hindi man lang aniya ito ikinonsulta sa kababayan ng Batanes ang biglaang pagtatalaga kay Arenas.

Abante Hiring – IT dep

“The tradition in the House has been to respect the nomination of the political party that the deceased member represented in the House. This has not been followed,” pahayag ni Pangilinan.

Itinuring ring paghihiganti ang hakbang ni Arroyo sa mga oposisyon tulad ng Liberal Party.

Aniya, planado ni Arroyo na pahiyain at balikan si Abad dahil sa pakikilahok nito sa kampanya ng LP noon para ma-impeach si Arroyo dahil sa diumano’y pandaraya nito noong 2004 elections.

Samantala, nilinaw ni Quezon City Rep. Feliciano ‘Sonny’ Belmonte Jr., na si dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang nagtalaga kay Arenas ilang linggo matapos na mamayapa si Abad.

Dati ring naging Speaker si Belmonte at batid nito na prerogative ng lider ng Kamara na mamili kung sino ang itatalagang caretaker.

“It is unfair to accuse Speaker GMA of vindictiveness and partisanship. She has a free hand in the choice of caretaker, duly considering the needs of the constituents of the lone legislative district of Batanes and my inability to continue performing my duty as such,” dagdag pa nito.