Una sa Balita

Gloria all-out ang suporta sa mga manok ni Mayor Sara

By
0 457

“ALL-out” ang suporta ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang regional party na binuo ni presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte.

Si SGMA ang panauhing pandangal sa kick-off rally ng HNP sa Pampanga.

Nilinaw ni SGMA na kapag kinakailangan ay saka lamang siya lulutang sa mga kampanya.

“As needed only not necessarily. I think they’re doing very well,” sabi ni Speaker Arroyo sa ­panayam ng media.

Ikinatuwa ni SGMA na ang Pampanga ang ­napiling lugar sa unang sigwada ng pangangampanya ng mga kandidato ng HNP.

“Oh we’re very honored, we think it’s a recognition of the fact in the last elections the biggest majority of (votes) of Mayor Duterte (na ngayon ay Pangulong Rodrigo Duterte) outside his bailiwick was in Pampanga. We hope we can duplicate that,” pagdidiin ni Arroyo.

Muli namang binanggit ni SGMA na wala na itong balak na sumabak sa politika.

Pagkatapos ng termino bilang kongresista ng Pampanga ay magsusulat ng kanyang “memoire” si Arroyo.
“I will write my memoire,” giit ni Arroyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy