Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Globe services sa San Andres, Virac atbp nabalik na

0 294

NAIBALIK na ng Globe ang call at text services nito sa San Andres at ang LTE services at internet browsing sa Virac, Catanduanes.

Sa Camarines Sur, naibalik na rin ang call at text services sa mga bayan ng Bombon, Bula, Cabusao, Calabanga, Del Gallego at Lupi na labis na naapektuhan ng pananalasa ni Super Typhoon Rolly.

SM food to go Banner Ad

Buong araw na nagtrabaho ang network operations team ng kompanya upang mapagana ang Globe cell sites sa naturang mga lugar na naapektuhan ng power transmission failures para mabigyan ang mga residente ng kinakailangang telecommunications services.

Ang lahat ng Globe cell sites sa dalawang nasabing lugar sa Catanduanes at sa anim na bayan sa Camarines Sur ay fully operational na ngayon.

Ginagawa ng Globe ang lahat para agad na maibalik ang mga serbisyo sa iba pang bahagi ng Catanduanes at Camarines Sur, gayundin sa lalawigan ng Albay.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.