Una sa Balita

Globe imbestigahan sa additional charges

0 41

Ilang mambabatas na ang nagsalita kaugnay sa mga reklamong natatanggap nila tungkol sa gawain ng Globe Telecom na nagpapataw ng dagdag na singil sa kanilang mga subscriber na walang kaukulang abiso.

Sabi ni Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, nanini­ngil ang Globe ng P100 para sa printed billing statement, P100 sa reconnection fee at may additional charge pa na P1,500 kapag lumagpas ang data plan ng isang subs­criber sa 750 megabytes.

Naghain naman ng re­solusyon si Sen. Nancy Binay para imbestigahan ng Senado ang mga charges na ipinapataw ng Globe sa kanilang mga subscri­bers na ayaw sa paperless billing scheme ng natu­rang telecommunications company.

Para sa kapakanan ng mga consumer na siyang pinanggagalingan ng yaman ng mga telcos, hinihiling natin na magkaroon ng imbestigasyon ukol sa sistema ng kanilang paniningil.

Mahalagang malinawan ang mga bagay na ito at malaman kung alinsunod pa rin sa batas ang kanilang mga ginagawa. Dalawang batas ang dapat suriin kung sinusunod o nilalabag – ang Consumer Act of the Philippines at Public Telecommunications Policy Act of the Philippines.

Kung may ‘karapatang’ maningil ang mga telcos at magpataw ng dagdag na singil, karapatan din ng kanilang mga subscriber na malaman kung bakit kinakailangang gawin ito samantalang milyon-milyong halaga na ang kanilang kinikita sa araw-araw dahil sa napakaraming Pilipino na tumatangkilik sa kanilang serbisyo. Hindi rin nila dapat ipilit kung ayaw ng subscriber ng paperless billing o statement.

Kaila­ngan din maipaliwana­g ng National Telecommunications Commission (NTC) sa publiko kung bakit nila pinayagan ang additiona­l charge sa paperless billing­ scheme ng Globe. Ang naturang ahensya ng gobyerno ang may kapangyarihan sa ope­rasyon ng mga telcos kaya nararapat lamang at para sa interes ng mga consumer na linawin nila ito.