Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Globe handang magbigay ng libreng tawag, libreng WiFi sa mga residenteng apektado ni Auring

0 177

Bilang paghahanda sa nakaambang bagyong Auring, sinimulan nang paganahin ng Globe ang operasyon nito para matulungan ang mga residente sa mga lugar na daraanan ng pinakaunang bagyo sa taong ito.

Ang kumpanya ay handang magbigay ng Libreng Tawag, Libreng Charging at Libreng WiFi sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo. Sa kasalukuyan, libre rin ang pag-access ng website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga customer nito at ng TM.

Payo rin ng Globe na tangkilikin lamang ang mga lehitimong news sites at kumuha ng mga update mula sa mga awtoridad tulad ng NDRRMC para makasiguro sa kredibilidad ng impormasyon.

Pinaalalahanan din ng Globe ang mga apektadong residente na i-charge ang kanilang mga cell phone para makatanggap ng mga alerts mula sa NDRRMC at hinihikayat din silang manatili sa loob ng bahay pero maging handa sa paglikas kung kinakailangan. Dapat din silang maghanda ng sapat na pagkain, flashlight at battery, kandila at first aid kit. Payo rin para sa mga residente na inspeksyunin at patibayin ang kanilang mga tahanan at siguraduhing nasa ligtas din na lugar ang mga alagang hayop.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang paghahanda ay ginagawa ng Globe sa kabila ng 11am bulletin ng PAGASA ngayong Sabado na ang bagyong Auring ay bahagyang humina sa tropical storm category taglay ang lakas na hanging aabot sa 75 kph at gustiness na aabot sa 90 kph.

Ito ay inaasahang maglalandfall sa silangang baybayin ng Caraga region ngayong Linggo ng umaga o hapon at inaasahang tatawid sa Visayas at Mimaropa hanggang Lunes.

Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang GlobeICON on Facebook o pumunta sa globe.com.ph for para sa latest #StaySafePH advisories.

###

Para sa karagdagang impormasyon, ang tutugon:
Yoly C. Crisanto
SVP, Corporate Communications
Globe Telecom, Inc.
Email Address: gtcorpcomm@globe.com.ph
Globe Press Room: https://www.globe.com.ph/about-us/newsroom.html
Twitter: @talk2GLOBE │ Facebook: http://www.facebook.com/globeph

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.