Una sa Balita

GLOBALPORT BINUHAT NI ROMEO

By
0 124

Game ngayon:
(Angeles City)
5:00 p.m. — NLEX vs. TNT KaTropa

Nakabalikwas na mula sa napakasaklap na huling semplang ang GlobalPort nang malagare ang maa­ngas na late endgame rally ng Meralco tungo sa pagbalikat ng 98-89 win kagabi sa PBA Philippine Cup elims sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isang all-around game ang kinarga ni Terrence Romeo sa game-high 27 points 5 rebounds at 5 ­assists upang ­makabuelo mula sa 101-99 defeat sa Phoenix Petroleum sa kabila na umabante ng 26 points sa nakalipas na buwan.

“We needed that win, bad experience last game, we were ahead we were not able to keep our composure,” bulalas ni Global coach Franz Pumaren. “We played within our system unlike the last game. With this win at least we’re still a game behind the second place team, crucial stage of the game hope we can sustain the run.”

Sa aktwal na balikwas mula sa back-to-back defeats, ­nakatabla sa triple-tie para sa fifth spot ang Batang Pier sa 4-3 win-loss record, kahanay ang bakanteng Fuel Masters at Blackwater na katuos pa ang two-time defending champion San Miguel (5-1) habang sinusulat ito.

Apat pa sa Batang Pier ang mga umarya ng 11 points above sa paggiya ng 13 ni KG Canaleta. May 13 pa si Billy Mamaril, 12 si Mike Cortez at 11 si JR Quinahan para maka­iwas sa isa pang trahedya dahil sa pagbentahe rito ng 16 points.

Lima sa Bolts ang nakaiskor ng double-double na pinangunahan ng 23 ni Reynel Hugnatan, pero humaba pa ang pagluha ng kampo sa four-game defeats para manganib na makahabol pa sa quarterfinals.

Tuloy ang ­ratratan mamaya sa Petron Blaze Saturday Special out-of-town five afternoon game ng TNT KaTropa (4-2) at naghihingalong NLEX (1-5) sa walang utul-utol na sultada sa Angeles City, Pampanga.

Pahahabain pa ng Texters ang winning streak sa tatlo pagkalipas na huling isalya ang Alaska 109-103 noong Disyembre 23, samantalang pipiliting makalsuhan ng Road Warriors ang five-game slide kasama ang 107-97 defeat sa Rain or Shine dalawang linggo na ang nakalilipas.

Ang iskor:

First game
GlobalPort 97 — Romeo 27, Canaleta 13, Mamaril 12, Cortez 12, Quinahan 11, Pringle 9, Aban 9, Mierhofer 2, Paredes 2, Banal 0, Urbiztondo 0, Pessumal 0.

Meralco 89 — Hugnatan 23, Grey 18, Newsome 16, Hodge 12, Daquioag 12, Buenafe 3, Faundo 2, Caram 2, Amer 1, Uyloan 0, Nabong 0, ­Ferriols 0.

Quarters: 26-19, 51-41, 72-71, 97-89.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy