Una sa Balita

Glass skin ang peg

0 221

Hey there, mga ka-Abante and my dearest ­sunflowers!
It’s Wednesday again at bilang naipangako ko po last week, we’ll be talking about my skin care routine.

Well, alam nating marami sa atin ngayon ang in-to skin care at ang peg, eh, ang magkaroon ng glass skin (sino ba may ayaw). Meron diyan ilang steps to get it and meron namang hilamos lang ang katapat ay go for the goal na raw.

Karir kung karir talaga tayo para ma-achieve ang glass skin na ‘yan kaya naman kahit na ­tedious ang process eh, nilalaban pa rin ­talaga natin alang-alang sa glass skin. Who will say no nga naman sa clear and smooth skin na magbibigay sa atin ng confidence pero tatandaan nating maliban sa pag-aalaga ng ating skin, kailangan pa rin nating pangalagaan ang ating sarili at iba pang bahagi ng ating katawan.

In my case, na-try ko na rin ang halos lahat ng paraan to achieve a smooth and fresh skin.

I’ve experimented different kind of ­products, sinundan ang kung anu-anong steps, nakisu­nod sa uso and it turned out bad. As in bad. I had a bad breakout and because of that I lose my confidence.

To cut the story short, ang nagwo-work sa iba ay posibleng hindi magwo-work sa akin ­dahil magkaiba naman tayo talaga ng skin type.

Kaya ‘wag na ring masyado makisunod sa uso and what works for you now, tuloy mo lang ‘yan. Also, from that experience ay natutunan ko ring “less is always more.” Because from too many steps my specia­list advice me to use few (skin) products at huga­san na lang nang mabuti ang mukha. Importante lang na malinis lagi ang face natin.

Again, don’t forget the basics na isa ring sa cheapest na paraan to take good care of your skin is to take care of yourself at iba pang parts ng ating katawan.

And lastly, wear your confidence like your ­everyday clothes, and with that— trust me that you’ll go places.

O paano, next week ulit ha? Ciao for now at kitakits tayo sa susunod na isyu ng ‘This is me, Kyline!’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy