Una sa Balita

Glaiza tumodo sa pagpapaseksi

By
0 327

Sobrang abala ngayon si Glaiza de Castro sa itinayo niyang negosyo sa Baler, Aurora kung kaya nakailang balik na rin siya roon, lalo nga nitong Holy Week kung saan mas lalo nga siyang naging morena-looking dahil sinamahan niya ito ng pleasure time.

Inspired nga raw sa magagandang beaches sa nasabing lugar, kaya kung dati ay medyo conservative pa siya sa pagpu-post ng kanyang pics na naka-one piece or two-piece, this time, kapansin-pansin nga sa kanyang IG na sunod-sunod ang pagpaparamdam niyang ito.

Bukod kasi sa resulta ng kanyang healthy lifestyle kaya makikita ang improvement sa curves ng kanyang katawan, ay ang sarap nga raw makipag-communion sa nature lalo na’t isa na rin siyang water person ngayon.

Well, of course, malaking influence dito ang surfer dyowa niyang si David Rainey, kaya mas lalo siyang naging inspired sa bago niyang kinahihiligan.

Wish nga raw niya na mag-meet sila ni Andi Eigenmann na isa na ring residente ng Baler, dahil alam niyang marami siyang mapapagkasunduang tsika tungkol sa aspetong ito.

Sa May 26 and 27 ay muling nasa Baler ang Kapuso actress para sa commercial shoot ng ini-endorse niyang Symply G Hair and Skin care kung saan ang backdrop ay ang kagandahan ng dagat sa nasabing lugar.

Bongga, huh!

Shawie adik sa mga horror movie

Kung hindi si Sharon Cuneta ang bibida sa pelikulang “Kuwaresma,” ‘wag na lang daw itong ituloy. Ito ang tall order ng mag-partner sa Reality Entertainment Inc. na sina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti, kaya ang laking ginhawa sa kanila nang pumayag ang Megastar na gawin ang pelikulang ito na ipapalabas na sa May 15.

Ayon naman kay Shawie, nang mabasa niya ang script ay hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ito dahil ito ang kind of horror movie na gusto niya talagang gawin.

Lalo na nga’t isa siyang horror movie addict na halos lahat ng magagandang international horror films ay napanood. Ito nga raw “Kuwaresma” ay espesyal na project para sa kanya.

Isang malaking challenge ito ayon kay Mega dahil kilala siya bilang isang dramatic actress, so, ang mag-portray ng isang role na kailangan niyang magpakita ng kakaibang emosyon ay talagang trinabaho naman niya nang husto.

Malaking tulong nga raw sa kanya ang isang magaling na aktor katulad ni John Arcilla na asawa niya sa movie dahil hindi na sila nagkakapaan pa, kundi nagtutulungan sa maraming eksena na magkasama sila.

Itinanggi rin niya na may gusto siyang patunayan para maging isang Horror Movie Queen kundi gusto lang niyang makapagbigay ng isang pelikula na alam niyang tatatak sa mga manonood.
Naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy