Una sa Balita

Glaiza special kids ang ‘karakrakan’ nu’ng b-day niya

By
0 2,189

Isang simpleng celebration ang gagawin ni Glaiza de Castro ngayong gabi para sa kanyang ika-29th birthday. Sa isang bar ito sa BGC gagawin kung saan puro malalapit na kaibigan niya ang invited.

Kilalang mahilig sa mga rakrakan ang Kapuso actress kaya doon niya ito naisip gawin dahil ‘yun naman talaga ang enjoyment niya. Isa ngang rakista si Glaiza kaya ang maingay na katulad ng bar na ito ay okey lang sa kanya.

Pero, siyempre, katulad noong nakaraang birthdays niya, hindi niya ito pinalampas na wala man lang charity works, noh!

Noong isang araw ay inipon naman niya ang special children ng isang SPED class kung saan nakapiling niya ang mga ito buong maghapon.

Maraming inihandang palaro at numero si Pereyna na tuwang-tuwa naman ang mga bata at mga Kapamilya ng mga ito.

Kahit nga makukulit ang mga ito dahil may special needs nga naman, balewala ito sa kanya sapagkat ‘yun naman talaga ang pinaka-goal niya, ang mapasaya ang mga ito.

Parang walang kapaguran sa pag-aakaso ang celebrator na tumayong big sister talaga sa mga ito.

Happy birthday, Glaiza!

Awra iwas muna sa boys

‘Yun, o!  Super-proud din talaga si Awra dahil sa sunod-sunod niyang projects kaya nga hindi niya hinahayaang iwaldas ang kanyang mga pinagkakitaan sa kung saan-saan lang, noh!

Ipinost nga ng ‘Beki-star’ ang binili niyang white van para sa kanyang pamilya mula sa kanyang mga pagpapagod sa showbiz.

Hindi rin niya nakalimutan ang magpasalamat sa Itaas dahil ginamit nga raw siyang instumento para mapasaya ang mga tao at maging daan din sa kahit papaano’y pag-angat ng kabuhayan ng kanilang pamilya.

Aba, hindi lahat ng beki ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon lalo na’t bagets pa siya na dapat sana’y nag-aaral muna. At hindi rin lahat ng beki ay marunong humawak ng kanilang pinagtrabuhan lalo na kapag na-inlavey na, noh!

Kaya, ayaw pa nga raw ni Awra ma-inlavey dahil baka nga naman masira ang diskarte niya para sa kanyang sarili at sa pamilya niya.

Tama na ‘yung pakembot-kembot lang siya habang nagpapatawa at nagpapasaya ng mga tao dahil may tamang oras naman yung love, love, love na ‘yan.

Korekek!