Una sa Balita

Glaiza, Renz bagay na magdyowa

By
0 1,667

Aliw ang mga follower ni Glaiza de Castro sa kumakalat ngayong photo nila ng Kapuso actor na si Renz Fernandez sa Instagram kung saan tila naka-pose sila bilang sina Jack at Rose sa sikat na Hollywood film na Titanic.

Ang nasabing litrato ay naka-post ngayon sa Instagram account ni Renz na may caption na “I’m the king of the world! Thanks to Contessa @glaizaredux we revengers.”

Marami sa mga fan ang nagsabi na lagot daw ito kina Jak Roberto at Geoff Eigenmann na siyang mga nag-aagawan ngayon sa karakter ni Glaiza bilang Contessa sa Afternoon Prime soap ng GMA. Pero marami rin naman sa kanila na sinasabing bagay ang dalawa. Naku, huh, makikita ba namin sa Con­tessa si Renz, Glai? (Joe Barrameda)

Jackie, Yasmien madalas sigawan ni Direk Neal

Hindi pala kayang magdalawang show o project si Jackie Rice. Kapag pala may show siya at isa siya sa major character ay binibigyan niya talaga ng atensyon ang role na pinagagawa sa kanya.

Gaya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka kung saan siya ang kontrabida ni Yasmien Kurdi. Bago pa man daw siya dumating sa set ay kabisado na niya ang mga line niya at alam na niya ang gagawin. Ang taping pa naman ay inaabot na nang umaga. Kaya sa day-off niya ay maghapon siyang natutulog at nagrereklamo pa na wala na siyang social life.

Kaya nagpaplano siyang humingi ng bakasyon kapag natapos ang kasalukuyan ginagawa niya. Maski nga sa Bubble Gang ay nag-leave muna siya para mas maka-focus sa teleseryeng ito na mukhang magtatagal dahil sa mataas na rating nito.

Nabanggit nga ni Direk Neal del Rosario na hindi nila expected na mae-extend ang show dahil sa mataas na rating. Ang maganda pa raw sa teleseryeng ito ay para silang isang buong pamilya na nasa isang tent ang cast na panay ang bonding at chikahan na minsan ay nasisigawan na niya dahil kailangan sila sa blocking. 

Crisan patuloy ang pagdadalamhati kay Makoy sa Kambal, Karibal

Isa sa pinakapinag-usapan sa Twitter kamakailan ay ang episode ng Kambal, Karibal kung saan inihatid na si Makoy (Jeric Gonzales) sa kanyang huling hantungan. Dito binuhos nang husto ni Crisan (Bianca Umali) ang kanyang pagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang parekoy.

Sang-ayon kaming hindi lang sa sinasabi ng mga netizen kundi pati na rin ng kapwa niya co-star sa serye na nabigyang hustisya nito ang pagganap sa kanyang karakter.

Kaya naman nang minsan namin siyang tanungin kung anong masasabi niya kapag pinupuri siya ng mga beteranong artista, aminado si Bianca na nahihirapan siyang mag-react kapag nakakatanggap ng mga ganitong papuri. Pero dagdag niya, isa itong assurance para sa kanya dahil nasasabi niya sa sarili niya na maayos ang ginawa niya at dapat pang pag-igihan.

Samantala, alamin ang mga susunod na kaganapan sa Kambal, Karibal dahil balita namin, mas marami pang kaabang-abang at mga delikadong mga eksena ang mapapanood sa mga susunod na mga episode.