Una sa Balita

Glaiza pinahirapan nang husto sa Contessa

By
0 9,053

The heat is definitely on ngayong Lunes (March 19) sa pagsisimula ng GMA Afternoon Prime series na Contessa na pinagbibidahan ni Glaiza de Castro.

Siguradong ito na ang magiging paborito niyong daytime show dahil sa kuwento nitong tungkol sa paghahanap ng bida nitong si Bea (Glaiza de Castro) ng hustisya para sa mahal niya sa buhay. Balita namin, extraordinary ang role dito ni Glaiza kaya naman ang mga fan, patuloy sa kani-kanilang pa-countdown sa upcoming series ng kanilang idolo dahil ibang-iba raw ang Glaiza na masasaksihan dito.

Dagdag pa dito ay ang kagwapuhan nina Jak Roberto at Geoff Eigenmann bilang kanyang mga leading men. Taray, huh! Excited na kaming malaman kung paano iu-unfold ang buhay ni Bea (Glaiza).

***
Boyet ‘di totoong pinabayaan ng GMA

Patuloy na namama­yagpag sa ratings ang Kambal Karibal ng GMA over Bagani ng ABS-CBN. Kaya isang ma­laking blessing ito sa kaa­rawan ni Bianca Umali.

At gusto rin linawin ng mga bossing ng Kambal Karibal na hindi nila pinaba­yaan si Christopher de Leon nang magkaroon ng problema sa taping. Sa katunayan mula noong nangyari iyon ay in close contact and communications between Boyet and the EP of Kambal Karibal up to the present time.

Binati pa nga raw ni Bo­yet ang production ng Kambal Karibal sa magandang ratings nito. Si Christopher ay kasalukuyang may pro­ject sa. ABS CBN.
***
Devon Seron ayaw na sa Kapamilya network

Isang panibagong Kapuso na naman ang sinalubong ng GMA Network kamakailan, ang mahusay na aktres na si Devon Seron. Sa kasalukuyan, napapanood siya sa The One That Got Away na talaga namang tinututukan ng mga manunuod.

Nang minsang makausap namin si Devon, ibinahagi niya sa amin ang dahilan kung bakit siya nagpasya bilang maging Kapuso.

“Actually personal decision ko talaga siya. For me, I think makakatulong siya sa’kin sa pagiging malawak ko as an artist. And of course, sa tingin ko, it will help me to grow as an actress talaga,” sabi niya.

Dagdag pa ni Devon, “Masaya kasi kahit sobrang bago lang ako, magaan na ‘yung pakiramdam ko.”