Una sa Balita

Glaiza pasabog ang pagbabalik bilang Contessa 

By
0 182

Ramdam na ramdam ng mga avid viewer ng ‘Contessa’ ang napaka-intense na mga eksena sa Afternoon Prime soap kaya naman hindi nila magawang palampasin ang bawat episode nito mula Lunes hanggang Sabado. Inis na inis sila kay Duquessa na ginagampanan ni Gabby Eigenmann pati na rin kay Danie­lla (Lauren Young) na mga kontrabida sa buhay ni Contessa (Glaiza de Castro).

Pasabog din ang role ni Max Collins bilang si Perfida na isinakripisyo ang buhay para ipaghiganti si Contessa. Pati ang sagupaan nina Charito (Chanda Romero) at Guada (Tetchie Agba­yani)

ay inaaba­ngan din.

Samantala, ikinatuwa ng Kapuso viewers ang pagbabalik ni Contessa. At sa kanyang pagdating, siguradong hindi na naman titigil ang mag-iinang sina Charito, Duquessa at Danie­lla sa paghihiganti sa ating bida. Kailan kaya matatapos ang kasamaan ng pamilya Imperial? Tutukan lang ang kuwento ni Contessa sa GMA Afternoon Prime!