Una sa Balita

Glaiza natakot sa hubaran kay Direk

By
0 1,404

And speaking of pagpapa-sexy at pagiging daring, hindi pa raw talaga ito kaya ni Glaiza de Castro. Sa totoo lang, may offer sana sa kanya si Direk Erik Matti na napakaganda raw ng storyline, pero nang mabasa niya yung portion na may maiinit siyang eksena, dun na raw siya nagdalawang-isip.

Sabi niya sa amin nang makatsikahan namin siya sa set ng “Midnight”, ang pinabagong indie movie niya, “Hindi pa pala ako ganun katapang.”

“Maganda sa storyline. Gustung-gusto ko, at si Direk Erik Matti pa ang hahawak, pero ano talaga e…hindi ko pa kayang gawin.”

Maayos naman daw niyang kinausap si Direk nang tanggihan niya ito at naiintindihan naman siya nito. May mga pa-daring scenes na rin siyang ginawa, pero, mababaw lang daw ito at hindi kasing tapang nang gagawin niya dapat sa movie na ‘yun kung sakaling tinanggap niya.

Well, inisip na lang daw niya na hindi para sa kanya ‘yun at may darating din daw siguro na isang magandang pelikula na hindi niya kinakailangang maging palaban sa love scenes.

Kabilang kasi si Glaiza din sa isang konser­batibong pamilya na dapat ay ipapaalam niya ang anumang pagbabago sa career na kailangan niyang gawin, kaya, naging malaking conside­ration din ito sa kanya.

Well, ganun talaga, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy