Una sa Balita

Glaiza maligaya sa piling ng afam David Rainey

0 595

Mukhang officially dating na si Glaiza de Castro dahil kailan lang ay kasama niya ang ka­niyang Irish boylet na si David Rainey sa isang malaking event.

Pinost pa ni David sa kanyang Instagram account ang photo nila ni Glaiza at nilagyan niya ng caption na: “Here Comes the Sun #manila #previewph #itsmorefuninthephilippines @glaizaredux.”

Hindi naman tinatago ni Glaiza si David sa kanyang mga fan. Isa itong surfing instructor na nakilala niya noong January 2018 habang nagbabakasyon siya at ng kanyang mga kaibigan sa Siargao.

Simula noon ay laman na si David ng IG account ni Glaiza and vice versa.

Nang tanungin si Glaiza kung ano na ba ang status nilang dalawa, ito ang kanyang naging sagot:

“Tingnan pa rin natin kasi wala pa rin kaming final na… Basta ngayon bumibisita siya, nagbabakasyon, at nag-e-enjoy.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy