Una sa Balita

Glaiza, Jak dinumog ng mga fan sa Tagum, Davao

By
0 2,089

Extraordinary ang na­ging pagbisita ng GMA stars na sina Glaiza de Castro at Jak Roberto sa Davao para sa Araw ng Tagum dahil libo-libong fans ang sumalubong sa kanila doon.

Sa katunayan, masayang-masaya ang kanilang mga tagahanga na present sa kanilang mall show sa Gaisano Mall of Tagum sa Tagum City. Todo-picture at video ang mga ito sa Contessa lead stars kaya naman napuno ang social media feeds namin ng photos at video nila kung saan kitang-kita na giliw na giliw ang mga taga-Tagum sa kanilang mga idolo. Punong-puno nga ang mall base sa nakita naming photos.

Iba rin talaga ang chemistry ng mga bagong aabangan natin sa GMA Afternoon Prime. Siguradong dahil dito, mas aabangan ang Contessa sa Davao sa nalalapit nitong pag-ere.

Ruru kahuma-humaling ang ka-macho-han

Isa sa mga dahilan kung bakit well-loved ngayon ang GMA Primetime series na Sherlock Jr. ay dahil pansin na pansin ng mga manonood ang pagma-mature ni Ruru Madrid lalo na sa kanyang pag-arte. Kaya naman mas marami ang nahuhumaling ngayon sa Kapuso actor.

Pero para kay Ruru, isang show ng GMA ang nakatulong sa kanya para mas maging mature at responsible young adult—ito ang Encantadia. Kuwento niya, ito raw ang nagtulak sa kanya para magsimula sa pagwo-workout, at kumilos maturely kaya naman malaki raw ang pasasalamat niya dito. At kapag may goal ‘yan, super ang disiplina niya.

Jason na-hurt sa halikan nina Rhian, Ivan

Umpisa pa lang, kitang-kita na ang chemistry nina Rhian Ramos at Jason Abalos bilang sina Zoe at Gael sa GMA Primetime series na The One That Got Away. Bukod kasi sa pareho silang attractive, pareho pa silang makulit kaya kilig na kilig talaga ang mga fan sa kanila.

Kamakailan, isang pagpapakilig na naman ang pina-trend ng dalawa dahil sa litrato nila kasama ang anak ni Gael na si Nemo (Euwenn Aleta) sa serye. Ayon sa mga fan, bagay na bagay ang dalawa na maging parents ng bagets dahil pareho silang cute rin. As of the writing, libo-libo agad ang likes na nakuha nito sa mga netizen.

Pero teka lang, nagseselos na nga ba si Jason kay Ivan Dorschner? Na-hurt nga ba siya sa halikan nina Rhian at Ivan?