Una sa Balita

Glaiza goodbye showbiz, mag-aaral sa London

0 902

abante-talbog-joe-barramedaTaon ba ni Glaiza de Castro ang 2018? Nag-hit sa ratings game ang title soap niyang Contessa sa GMA 7, na tumagal din nang more than six months sa TV.

Bukod pa rito, nag-number one sa box office ang Cinemalaya entry niyang Liway. Ayon sa organizer ng festival, malayo ang agwat sa ikalawang box office film. Gumawa ng box office record ang Liway.

Sa pagtatapos ng Contessa, dalawang offer ng soap ang nakalatag kay Glaiza: una ay magsasama sila sa soap ni Marian Rivera, ikalawa ay makakasama ni Glaiza sa top billing si Jennylyn Mercado.

Pero nakaplano na pala ngayong taon ang pagpunta niya sa  London, England. Gusto niyang matupad ang dream niyang makapag-aral sa sikat na music school doon. Sa Liverpool, England, nagsimula ang Beatles at iba pang musical icons.

Matagal na palang nakaplano kay Glaiza na mag-aral ng kursong Music Production. At present ang actress ay composer, singer at producer ng sarili niyang record album.

Likas na hilig ni Glaiza ang music na minana niya sa kanyang inang si Cristina de Castro at sa amang si Boy Galura. Band members sa Japan ang parents ng actress. Sa Japan pala ipinagbuntis si Glaiza.

Pero, wala raw balak tumigil sa showbiz si Glaiza, bagkus palalawakin pa niya ang kaalaman niya sa sining na pinasukan niya.

So ilang linggo lang ang itatagal ni Glaiza sa bansa ng Beatles, kung saan magiging poster parents niya ang Pinoy na mag-asawa na naging kaibigan niya.

After ng short course niyang pag-aaralan, balik Manila na siya to work again with Kapuso Network.

Bae Suzy, Lee Jong Suk Kapuso na

Mapapanood na sa GMA Telebabad ang award-winning Korean drama na ‘While You Were Sleeping’ kung saan bibida sina Bae Suzy, Lee Jong Suk, at Jung Hae In.

Kilalanin si Alexa (Bae Suzy) na may abi­lidad na makita ang future sa kanyang mga panaginip at kung paano niya ito maipapasa kina Jordan (Lee Jong Suk) at Wesley (Jung Hae In).

Sa pagpigil nila sa tunay na takbo ng tadhana, anong kapalit ang naghihintay sa kanila lalo pa at maiipit sila sa isang love triangle?
Abangan ang premiere nito sa primetime ng Kapuso Network, pagkatapos ng Inday Will Always Love You.

Katrina magpapagahasa sa ‘Kamote’ 

Kakaibang Katrina Halili ang dapat abangan ng mga viewers! Bukod sa GMA Afternoon Prime soap na The Stepdaughters, isang indie film na pinamagatang “Mga Anak ng Kamote” ang pinaghahandaan ngayon ng Kapuso actress.

Gaganap kasi siyang isang probinsyanang rape victim na hindi ma-i-express ang kanyang sarili. Inamin ni Katrina na matinding challenge ito para sa kanya dahil wala siyang linya sa pelikula.