Una sa Balita

Glaiza, Gabbi, Kylie, Sanya makikipagpatayan para kay Alden

By
0 577

Parang sa totoong buhay, mga immortal ang mga Sanggre ng Encantadia na sina Glaiza de Castro, Sanya Lopez, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.

Aba, hindi namamatay ang mga character nila dahil every now and then, natatawagan sila at nabubuhay sa ibang serye ng GMA-7. Positibo naman ang mga nababasa naming komento ng netizen lalo na sa muling pagsasama-sama ng apat.

Special guest ang apat sa primetime series na pinagbibidahan ni Alden Richards na Victor Magtanggol. 

Abante Hiring – IT dep

Posible naman talagang mag-crossover ang mga Sanggre dahil sa temang fantaserye, puwedeng-puwede talagang­ magkaroon ng koneksiyon.

Bongga rin sina Glaiza, Kylie, Sanya at Gabbi dahil tuloy-tuloy rin ang mga raket nila. Nag-end man ang Conte­ssa ni Glaiza, heto’t may guest appea­rance siya sa V.M. Same goes with Sanya and Kylie at si Gabbi na mapapanood muna sa V.M. bago ang nalalapit na pilot ng primetime series niya na Pamilya Roces.

Obvious naman sa mga post ng apat na natuwa ang mga ito sa instant reunion nila.

 

Piolo biggest fan ni Iñigo

Parang may pa-tribute si Piolo Pascual sa kanyang anak na si Iñigo Pascual sa Instagram account nito. Birthday ni Iñigo noong September 14 at sa lalaki, masasabing debut nito dahil 21 na.

Ipinahayag ng actor kung gaano siya ka-proud na maging tatay ng anak. At kung paano, siya raw ang biggest fan ng anak na naniniwala siyang marami pang magagawa at maipapakita ang para rito ay world class talent nito.