Una sa Balita

Glaiza, Divine Tetay, Edgar Allan pinaligaya ang showbiz press

0 345

Walang binatbat ang bagyong “Tisoy” para pigilan ang Kapuso Network na idaos ang Paskong Kapuso 2019 para sa entertainment press nu’ng Martes.

Sinabayan ng Kapuso ang ulan at hangin na dala ni Tisoy sa pagpapaulan naman ng pera sa raffle. Of course, nabusog na sa pagkain ang mga dumalo, nagpista rin sa inumin ang media.

As always, present sa party ang President and CEO, Atty. Felipe L. Gozon at entertainment group executives led by Lilybeth Rasonable, Redgie Magno, Angel Javier Cruz at iba pa.

Bahagi ng speech ni Atty. Gozon matapos banatan ang mga contractor na hindi tumutupad sa pagtapos ng ginawang proyekto sa takdang panahon: “Pero nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa mga tulong na binibigay ninyo sa amin para idaos ang party na ‘to.

“Maghapon kaming nasa meeting. Eh itong tanda kong ito, dapat pagod na ako. Pero pinilit ko pa ring makarating. Puwede pa!

“Pero nagpapasalamat ako sa inyong lahat sa mga tulong na ibinigay ninyo sa amin. Gusto naming ipakita sa inyo that you are well appreciated!

“Merry Christmas and a Happy New Year!”

Sa gitna ng kasiyahan, kumalat ang bahagi ng speech ni President Digong Duterte kaugnay sa malapit na pagwawakas ng franchise ng ABS-CBN quoting the President, “I will see to it that you are out!”

Ano ang gusto mong reaksyon ko? They knew it coming o they only get what they deserve?

Anyway, nagpasaya sa party sina Glaiza de Castro, Edgar Allan Guzman, Divine Tetay, Betong Sumaya, Sophie Albert, at ibang mga taga-“StarStruck”.

Congrats nga pala kay Joe Barrameda na nanalong best in costume, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy