Una sa Balita

Glaiza de Castro ramdam ang ‘bigat, hirap’ ni Angelica

By
Glaiza de Castro at Angelica Panganiban
0 24

Hindi umeepal si Glaiza de Castro sa damdamin ng kaibigan niyang si Angelica Panganiban kahit na nga halos dalawang linggo silang bumiyahe sa Nepal at Bhutan.

Si Ange ang yumaya sa kanyang bumiyahe bilang back packer pero sa Nepal at Bhutan ang naging destinasyon nila at hindi sa original na plano na Thailand o South Africa.

Sa biyaheng ‘yon, na-realiz­e niyang ang kaligayahan ay nasa tao.

“Hindi siya base sa materyal na bagay o kung gaano kaunlad ang bansa mo, kung gaano kalaki ang income ng bansa mo. It’s all about their mindset.

“‘Yung religion nila is to be kind. ‘Yung mga tao roon, very accommodating sila. Kahit na rugged ‘yung dating lugar, baku-bako ang kalsada, sobrang usok, na-damage pa sila ng earthquake doon, just be positive kung ano ang nangyari sa kanila,” pahayag ni Glaiz­a nang makausap ng press sa pocket presscon ng Kun(g) Di Man concert niya sa Music Museum sa October 27.

Adventure ang pakay nila ni Angelica at hindi para mag-relax dahil may background sila ng lugar.

“Mas maganda pa nga ‘yung Mindanao natin kesa doon,” saad niya.
Eh nu’ng nasa abroad ba sila, may moments bang nag-emote si Angge?

“Well, ramdam ko naman na meron siyang bi­gat pero happy siya ngayon eh. After ng trip namin, ang ganda nga eh. Parang spiritual ‘yung trip namin. Ang dami naming na-realize.

“Everytime na maaalala niya ‘yung past, sinasabi ko sa kanya, ‘Tara, saan tayo pupunta?’ Tina-try kong huwag mag-dwell doon. Tina-try kong ilagay sa mas positive na experiences,” rason niya.

“Tinigilan na niya. Kumbaga, tinigilan na niya ang pag-e-emote. Kumbaga parang wala na kasing sense na magalit, o isipan pa niya ‘yon. Kaya focus na lang kami sa mga kanta namin,” katwiran pa ni Glaiza.

Kaya nga sakto rin daw kay Angelica ang bago­ niyang single na Magandang Simulain kahit na nga ginawa ito ng pinsan after ng pagkamatay ng lolo nila. Bibigyang-pugay rin niya sa concert ang lolo na mahilig sa kundiman songs pero sa makabagong tugtugin.

Mapapakinggan din ang ilang cuts sa album niya, ang cover version niya ng Itanong Mo sa mga Bata ng Asin, Dukha ng Aegis, Bato sa Buhangin ng Cinderella at ang Ang Himig Natin ng rock icon na si Mike Hanopol na isa sa special guests niya kasama ang rapper na si Gloc 9.

‘Nasaktan si Mayor (Herbert) sa ginawa ko…’ – Hero Bautista

Sobrang lusog na ni Konsehal Hero Bautista nang dumalo sa 78th Foundation Day ng Quezon City sa Seda Hotel last Thursday. Balik-trabaho na siya matapos magpahinga sa rehabilitation center.

“I’m getting old. I have to stop childish things and I have to concentrate in my work for my two kids. Of course I have to serve the people so I have to motivate myself to be a public servant,” paha­yag ni Hero.

Naging maganda raw ang naging pagtanggap ng constituents niya nang magpakita siya.

“Natutunan  ko rin ang self-respect, humility and acceptance na kailangang mag-mature na ako,” rason niya.

Ano ang sabi ni ng kapatid niyang si Mayor­ Herbert?

“Nasaktan si Mayor sa ginagawa ko. Napag-usapan namin na I’m ready to go in. Voluntary naman akong pumasok,” sey ni Kon. Hero.

Ayon pa kay Hero, 100 percent drug free na siya ngayon.