Una sa Balita

Glaiza de Castro buntis?

Humirit ng bakasyon sa London

By
0 1,966

abante-i-know-better-jun-nardoItinanggi ni Glaiza de Castro ang balitang may plano siyang lumipat ng ibang network kaya humihingi siya ng bakasyon para makapag-isip-isip siya.

Ilang taon pa ang itatagal ng kanyang kontrata sa Kapuso network at balak naman niya itong tapusin at mag-renew dito lalo na’t maganda ang importansiya na ibinibigay sa kanya ng pamunuan.

Totoong nagpaalam siyang magbakasyon ng dala­wang linggo simula Sept. 27 dahil pupunta siya ng London.

Totoo ang balitang plano niyang mag-aral on music production kaya sasamantalahin niya ang mga araw na ‘yun sa pagha­hanap ng eskuwelahan para sa short course na gusto niyang kunin.

Kung maaalala, ang first love talaga ni Glaiza ay ang musika at pangalawa ang pag-arte. Dahil marami na ang naibigay na pagkakataon sa kanya sa acting career, this time ‘yung passion niya for music ang gusto niyang paglaanan ng oras at atensiyon.

Kaya kung anuman ang mga tsikang nakakarating, ‘yun iba rin ay dedma lang ang Primera Kontrabida ng GMA.

Patawa ngang sagot niya, “Sila na ang nakakaalam sa future ko, talo pa nila si Lord.

Pati nga sa tsika na kaya lilipat siya sa kabila ay dahil buntis siya, ang pabirong sagot niya rito ay, “Pwede ba dyowa muna, bago buntis?”

Oo nga naman, noh! Kalurks!

Darren handa sa mga panlalait sa akting niya

Supersaya si Darren Espanto dahil sa sobrang suportang ibinibigay ng supporters niya sa kanya para sa kauna-unahang movie niyang The Hows of Us with Daniel Padilla and Kathryn Bernardo.

Kagabi ay ilang block screenings ang pinuntahan niya kung saan inuna niya ang block screening sa Cinema 12 sa Megamall.

Maagang dumating ang Kapamilya singer para makipag-mingle sa kanyang mga fans, nanood at lumipat ulit sa isa pang block screening.

Aminadong kabado siya sa magi­ging reaksiyon sa kanya dahil first movie nga niya ito at isang Direk Cathy Garcia-Molina pa nga ang humawak sa kanya.

Ikinatutuwa niya talaga ang pagmamahal ng kanyang mga tagahanga na kahit noon ay solido sa kanya.

Maging sa YouTube nga ay isa sa most viewed vids ang mga upload concerning him which means may fandom talaga siya.

Kaya ang anumang malaking success ng The Hows of Us, may porsiyento rito ang suporta sa kanya na hindi na rin natatawaran.

Handa naman daw siyang tanggapin ang mga anumang criticism sa kanyang pag-arte dahil there’s a lot more to learn, ika nga niya.

Sumabak siya na hindi nakaranas ng acting workshop sa movie na ito, so anuman ang maging resulta ay wiling siyang tanggapin ito positively.

Enjoy na rin daw siya sa pag-arte kaya gusto rin niyang i-improve ang parteng ito dahil gusto niyang masundan pa ito ng maraming project given the chance.

Oo nga naman!