Una sa Balita

Glaiza, David relasyon ipinagbunyi ng mga taga-showbiz

0 858

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPinutak­ti ng red heart at iba’t ibang reaksyon/komento ang Instagram ni Glaiza de Castro dahil sa ipinost niyang photo niya na kasama ang isang lalaki. Nakahawak ng vintage moving camera si Glaiza at ang isang lalaki, at nagbibiruang kinukunan nila ang isa’t isa.

Nasa abroad sina Glaiza at ang lalaki dahil na rin sa suot-suot nilang winter outfit. Pero hindi nilagyan ng location ng Kapuso actress kung saan kuha ang larawan.

Takaw-pansin ang caption ng photo ni Glaiza dahilan para mag-react at kiligin ang kanyang mga kaibigan sa showbiz.

“There is a wait so long, you’ll never wait so long,” caption ni Glaiza.

Nabulabog ang circle of showbiz friends ni Glaiza dahil ngayon lang nag-post ang aktres ng larawan na may kasama itong lalaki, at tumutukoy pa sa lagi niyang sinasabing naghihintay lang siya sa tamang panahon sa pagdating ng kanyang mamahalin.

Hindi naman direktang sinabi ni Glaiza na ito na nga ang lalaking pumukaw sa kanyang natutulog na puso, pero kinilig agad ang kanyang mga kaibigan.

@iamangelicap, “Grabe po ang launching ni david balentayms nanaman.”
@_gabbygarcia, “HOYYYY gusto ko mari­nig accent niya.”
@gabbyeigenmann, “the wait is there…wait? Is it there? Yes its there wait lang..”
@bela, “Ang sayaaaa.”
@missizacalzado, (red heart icon)
@mariajolina, (red heart icon).
@chynortaleza, “Naiiyak ako. @glaizaredux grabe.”
@abbyasistio, “Huwaaaattt”
@quarkhenares, “OH EM GEE GURL HERE COMES YOUR MAN NA BA TO IM GETTING KILIG.”

Tila kilala ng kapwa niya Kapuso star na si Rich Asuncion ang lalaki sa larawan. Naka-tag ang name nu’ng guy sa comment ng aktres, at sinabi nitong nasa Manila ang mystery man.
@richasuncionmudie, “Hope to see you @david_rainey89 in Manila when we’re back and if you are still around.”

Walang profile info sa IG account ni David Rainey. Ang makikita lang ay pina-follow siya ni Glaiza.

Sa photo gallery naman nito, may kuha silang dalawa ng aktres last November 8, na kuha sa event ng Preview.

Base sa mga photo ni David, isa siyang European, na mahilig sa sports at mag-travel.

Isang follower ni Glaiza ang nagsabi na, anniversary raw nina Glaiza at David.

@icebox_cake19, “@iamangelicap happy anniversary sa kanila, tandang-tanda ko last year eh birthday ni G, then jamming sa bahay niyo pagka-next day with JM then Siargao si G kinabukasan..hehehe #waley #kthanksbye.”

Anyways, tiyak na may alam ang mga malalapit na kaibigan ng aktres tungkol sa estado ng lovelife nito ngayon.
***

Mga bag ni Heart ibinebenta sa Paris

Humigit kumulang sa P15,000 ang halaga ng red heart shaped bag na designed by Heart Evangelista sa Sequoia Paris. Isang brand ng bag na naka-base sa Paris.

Naka-poste na sa www.sequoiaparis.com ang bag ni Heart. May selling price ito na Euro 250, na kung iku-convert mo sa Philippine peso ay P15,012.42.

Ang naturang heart shaped bag ay u­nang collaboration ni Heart sa Sequoia, mula nang makipagsara ito ng deal sa nasabing bag brand nu’ng nakaraan taon, habang nasa kalagitnaan siya ng pagdalo sa mga fashion show.

Kinunan din ng photo si Heart sa Paris, para maging image model ng kanilang brand.

Kung hindi kami nagkakamali, si Heart ang kauna-unahang Pinay actress na nagkaroon ng working collaboration sa Sequoia, bilang designer.

Marami ang pumuri sa international achievement na ito ng Kapuso prime talent.

Anyway, last year ay nag-launch din ang Kamiseta ng kanilang collection ng may print ng mga painting ng aktres.

Naubos kaagad ang collection at muli na naman itong maglalabas ng bago, na pain­ting pa rin ni Heart ang ipi-print sa mga fabric.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy