Una sa Balita

Glaiza, David Rainey magdyowa na

By
0 1,680

May ilang netizen na nagtatanong kung pinaparamdam na ba ni Glaiza de Castro na mag-a-out na siya? Out mea­ning na kung aamin na raw ba ang Kapuso actress na isa siyang miyembro ng LGBT community.

Natural ay natawa ang ilang close sa aktres dahil nagpa-short hair lang daw ito, akala na ng iba ay lesbiana na ito. In fact, may umaaligid na isang Irish na boylet kay Glaiza ngayon. Ang name nito ay David Rainey at isa itong surfing instructor na nakilala ng aktres sa isang vacation time niya. Nakasama na raw niya si David sa ilang mga event niya.

“Masaya ako na nakikita niya ‘yung mga pinaggagagawa ko.

“Minsan tinatanong ko siya na ‘Sigurado ka ba, sasama ka?’ Pero masaya ako na nag-e-enjoy naman siya, at nag-e-enjoy din naman ako na kasama siya.

“Tingnan pa rin natin kasi wala pa rin kaming final na… Basta ngayon bumibisita siya, nagbabakasyon, at nag-e-enjoy,” ngiti pa ni Glaiza.

Mukhang mas lalalim pa ang magiging relasyon ni Glaiza kay David dahil tutulungan daw siya nitong makahanap ng magandang school sa London kunsaan mag-aaral ang aktres ng music production.

“May mga sisters siya doon, so I think plano niya mag-stay doon for a while with his sisters. So, ayun, baka mag-hangout kami. At tulungan niya rin ako sa ibang schools,” diin pa ni Glaiza.

At para patunayan ni Glaiza na hindi siya isang tibang, nagpakita ng alindog si Glaiza sa IG sa pag-post ng photos na naka-bikini siya.

Bagama’t bikini top lang ang makikita na suot ni Glaiza, enough reason na iyon para patunayan na babaeng-babae siya! Si Glaiza ay bida sa Liway.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy