Una sa Balita

Glaiza ayaw nang makasama ni Geoff Eigenmann

By
0 1,511

Para sa paghahanda sa kanyang mall show kamakailan, may na-realize si Glaiza de Castro sa OST ng kanyang Afternoon Prime series na Contessa na pinamagatang ‘Dito Sa Aking Mundo’.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Instagram page kalakip ng isang artwork na gawa ng isa niyang fan.

Kuwento niya ay mas na-inspire siya sa mensahe ng kantang ito dahil kahit gaano man daw kahirap ang pinagdadaanan niya, makakaya at malalampa­san niya ito. Wow, ha! Para sa mga nais mapakinggan ang kantang ito, pumunta lang sa Spotify para katulad ni Glaiza, makahanap din kayo ng inspirasyon. Pak!

Abante Hiring – IT dep

Samantala, mukhang tamang-tama naman ang kantang ito para sa ating bida na si Contessa ngayon na tila magpapaalam na sa kanya ang kanyang minamahal na si Gabriel (Geoff Eigenmann).

Kung tuluyan mang umalis na ito, paano kaya makakayanan ni Conte­ssa ang pagsubok na ito?
At ito na ba talaga ang desisyon ni Gabriel?

Abangan ‘yan mula Lunes hanggang Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA Afternoon Prime.