Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Glaiza ala-Taylor Swift sa prenup with David

0 189

Inamin ni Glaiza de Castro na nag-prenup shoot na sila ng kanyang fiance na si David Rainey sa Ireland.

Sinabay na rin ng Kapuso actress ang pag-shoot ng kanyang music video para sa song na sinulat niya para kay David.

“Can’t wait to share this with you!” post ni Glaiza sa Instagram.

Bago raw nag-shoot sina Glaiza at David ng kanilang prenup shoot, sumunod sila sa safety and health protocols. Tinulungan din daw sila ng kaibigan ni David na isang photographer.

“Nakagawa kami since puwede naman kaming lumabas within five kilometers from their house. Apparently, may kaibigan siya or may kakilala siya na photographer na naka-collaborate namin. So ayun, marami kaming nagawa,” sey ni Glaiza.

Sa mga pasilip ni Glaiza sa naging shoot nila, marami ang nagsabi na parang inspired ng Folklore album ni Taylor Swift ang tema ng prenup shoot nila.

Dahil engaged na sila, nawala ang doubts ni Glaiza sa relasyon nila ni David.

“Noong time na nag-aalinlangan ako kung talagang siya ba talaga ‘yung tao para sa akin, laging may pinapakita si Lord na pagkakataon para sabihin sakin na ito ‘yung binigay ko para sa ‘yo. Masasabi ko na through David nararamdaman ko rin ‘yung blessing sakin ni Lord, ‘yung pagmamahal niya sa akin, kasi pinaparamdam niya sa akin kung gaano ‘ko ka-special,” diin ni Glaiza. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.