Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Gladys performer na sa New York

0 68

Muling bumalik sa pag-perform ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra.

Sabay sa muling pagbukas ng mga bar, restaurant, theater sa The Big Apple, kumakanta at nagsa-stand up comedy si Gladys sa D’Haven Restaurant sa Woodside, New York.

Sa US na naka-base si Gladys pagkatapos itong ikasal noong May 2021 sa mister niyang si Michael Navarrete. Ayon sa singer-comedienne, never pa raw siyang napanood ng kanyang mister na mag-perform onstage.

“Grabe, I really miss performing. Apaka saya ng gabi’ng to sa D’ Haven Restaurant sa Woodside New York City. Thank you so much guys. Eto ng kuwento, never pa ko napanood ng asawa kong nag perform eversince. Kase nga, to begin with hindi nya ko kilala (which is a good thing). When we started dating, alam lang nya may Gladys Guevarra na artista daw, but he doesn’t have any idea, ano ginagawa ko and kung ano meron at ganap. So after the show nitong gabi sa New York . . . Isa lang nasabi ng asawa ko . . . “Grabe! Iba ka pala talaga mahal. Ang galing mo! Sobra! Kakaiba kang performer.” Sabi ko pa, feeling ko nga hindi pa yan yung best ko, gawa ng matagal na napahinga sa pandemic na to, parang feeling ko kako nangalawang ako. Sabi nya “No mahal! You still have it! Galing mo, grabe ka!” Thank you Mahal ko. #newyork #newyorkcity,” sabi ni Gladys. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.