Una sa Balita

Gladys Guevarra sinopla ang mga artistang pro-‘mass testing’

0 506

Maraming artista ang nanawagan ng mass testing. Ang iba nga ay nagsama-sama pa para mag-fundraising na ang kikitain ay ipangtutustos sa mass testing o testing kit.

Well, iba naman ang opinion ng komedyante, singer na si Gladys Guevarra.

Sa Facebook page niyang Gladys Chuchay Guevarra ay mababasa ang pagtutol niya sa mass testing, na pinapanawagan ng mga kapwa niya taga-showbiz tulad nina Pokwang, Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Alonzo, at marami pang iba.

“Andaming artistang umaapila ng MASS TESTING.

“Opinyon ko to ha? Pwede mo ko sagutin kung mali ako. Naisip ko lang naman din.

“Ano ba kase ang magagawa rin ng Mass testing? Matanong ko lang. eh kahit mag Mass testing, kung wala pa naiimbentong Vaccine, ano gagawin? Isusupot yung mga infected? I mean, diba? Ite-test mo lahat, para ano? Para lang malaman sino na mga infected? hala! Eh yung mga 1st world country nga di maapula yang lintek na virus na yan. Eh ano ga ang gagawin nila???? Diba? Ikaw palagay mo? 🤔🙄

“Baka ba pag nalaman natin kung sino mga infected, pwede na lumabas, tapos ihiwalay yung mga pila at nakalagay . . . Pila ng mga Infected at Pila ng hindi infected. Ganire ba?

“At pag nagpa-MASS TESTING, maglalabas ulit ng malaking halaga ang gobyerno para sa kits? At maghihintay tayo ng matagal sa results? Imbes na yang pondo nakakatulong ngayon sa pagkain sa pangkalahatan, lalo mas mga nangangailangan? Diba?

“Gets nyo? Ako di ko gets. Kaya ko i-gets, pero parang d ko ma-gets. Gets?”

Well… (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More