Una sa Balita

Giyera ‘to!

0 450

University of Santo Tomas Golden Tigresses
Last Season: 7th place

Sa pangit na performance ng UST noong nakaraang season, kasabay ng pagkawala ng ilang key players nito gaya nina Rica Rivera, EJ Laure at Ria Meneses, handa nang muling manakmal ang mga tigre mula Espanya.

Sasandalan nito ang ilang sa mga senior player gaya nina Sisi Rondina, Dimdim Pacres at Caitlyn Viray.

Magsisimula na ring magpakilala sa UAAP seniors ang rookies na sina Eya Laure, Kacelyn Galdones at Camille Victoria.

Susubukang makabawi ng Golden Tigresses sa isa pinakapangit nilang finish sa torneo at pupuntiryahing makabalik sa Final Four.

Unang susubok sa husay ng UST ang Adamson Lady Falcons sa Pebrero 17 sa Mall of Asia Arena. (Fergus Josue, Jr.)

***

Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles
Last Season: 3rd place

MARAMI ang nagulat at hindi makapaniwala na hindi sumampa sa championship round ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa UAAP Season 80 na ikinalungkot na kanilang libo-libong fans.

Ngayon, susubukan ng bagong coach ng Ateneo na si Oliver Almadro na ibalik ang korona sa mga balibolista mula Katipunan.

Magiging malaki ang gagampanan nina Kat Tolentino at Bea de Leon sa pagkawala ng kanilang star player na si Jhoana Maraguinot.

Puspusan ang ginawang paghahanda ng Lady Eagles na nag-training pa sa Japan.

Hindi naman magiging madali ang unang assignment ng Lady Eagles dahil makakatapat nila agad ang defending champions DLSU Lady Spikers sa Pebrero 17 sa Mall of Asia Arena. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy