Una sa Balita

Giyera sa Sulu sumiklab!

5 sundalo, 3 Sayyaf bulagta; mga residente nag-evacuate

0 632

NAKASAGUPA ng militar ang mga rebeldeng Abu Sayyaf Group (ASG) kahapon sa Patikul, Sulu sa kanilang pagtugis sa hinahanting na bandidong lider na utak ng kambal na pagsabog sa Jolo, kung saan limang sundalo ang sinasabing napatay habang 3 kabilang ang isang dayuhang terrorista ang bumulagta sa panig ng mga kalaban.

Ayon sa report, tumagal ng halos dalawang oras ang engkuwentro sa Brgy. ­Kabbon Takas kaya’t minabuti na ng mga residente sa lugar na lumikas upang hindi madamay sa sagupaan, ayon kay Lt. Col. Gerald Monfort, spokesperson ng Joint Task Force Sulu.

Lima pang sundalo ang nasugatan habang 10 ­naman sa ASG, kasama ang lider na si Indang Susukan na umano’y naputulan ng kamay.

“The ‘intense firefight’ ­between the 5th Scout Ranger Battalion and at least 100 Abu Sayyaf members under a certain Hajan Sawadjaan erupted in Barangay Kabbon Takas shortly before noon,” sabi ng militar.

Si Sawadjaan ang lider ng Abu Sayyaf na umano’y nasa likod ng pambobomba sa Jolo Cathedral habang nagmimisa noong Enero 27. ­Sinasabing nanumpa na ito ng pakiki­pag-alyansa sa ­Islamic State o ISIS.

Marami sa mga residente ng Patikul ang nagbakwit sa gitna ng putukan. Pina­tindi rin ang mga checkpoint sa ibang bahagi ng Sulu sa ­posibleng pagpasok ng supply ng pagkain at mga armas ng bandidong grupo.

Patuloy ang imbestigasyon sa posibleng pagkakasangkot ng Indonesian suicide bombers kasabwat ang ASG sa nangyaring twin blast.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More