Una sa Balita

Giyera sa NPA dineklara ni Lorenzana

0 600

TULOY ang operasyon ng militar laban sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA), ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Ito’y sa kabila ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling buksan ang usapang kapayapaan sa Communist Party of the Philippines at New Peoples Army.

Ayon kay Lorenzana, hindi katanggap-tanggap ang ginawang pambobomba ng mga NPA sa Eastern Samar noong Biyernes kung saan isang pulis at matandang babae ang namatay.

Nasugatan din ang apat na pulis at 12 sibilyan nang sumabog ang improvised explosive device na tinanim ng mga pinaghihinalaang NPA sa highway ng Libuton, Borongan City, Eastern Samar dakong alas-tres ng hapon noong Biyernes.

Noong nakaraang linggo lamang ay inata­san ni Pangulong Duterte si Labor Secretary Silvestre Bello III na tumungo ng Netherlands upang kausapin si CPP founder Jose Maria Sison.

Ayon kay Lorenzana, sinusuportahan niya ang desisyon ng Pangulo sa pagbuhay ng usapang pangkayapaan pero dahil sa ginawa ng mga NPA ay tuloy ang operasyon laban sa kanila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy