Una sa Balita

Giyera ng Kapamilya, Kapuso mas magliliyab sa Nielsen

By
0 3,746

Walang duda na parehong nangunguna sa ratings nationwide ang GMA 7 at ABS-CBN 2 base sa kanya-kanyang press release.

At depende sa mga manononood kung ano ang mas paniniwalaan nila, kung Kapuso ba o Kapamil­ya sila.

Matagal na ngang hindi nagtutugma ang data na ginagamit ng dalawang networks, dahil magkaiba nga ang ratings provider nila. Ang Kapamilya ay sa Kantar Media, habang ang Kapuso ay sa Nielsen Philippines. At sabi nga nila, pareho silang number one.

Pero mukhang mababago na ang kalakarang ito. Ang kuwento, nag-subscribe na raw sa Nielsen ang ABS-CBN. Posible kayang sa susunod na buwan ay Nielsen data na rin ang gagamitin ng Kapamilya Network?

Kung true ito, ano kaya ang dahilan ng ABS-CBN? Hindi na ba sila gagamit ng data mula sa Kantar?

Kung totoo talaga ito na nag-subscribe na ang ABS-CBN sa Nielsen, pag-amin na kaya ito sa part nila na totoo ang claim ng GMA na mas kapani-paniwala ang Nielsen? At tanggapin na kaya ng ABS-CBN na GMA ang nangunguna nationwide na madalas sabihin ng Nielsen? Well, Abangan na lang natin kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Pero, bongga ito, ha! ()