Una sa Balita

Giyera laban sa IS, tapos na – Iraqi PM

By
0 126

Tapos na ang tatlong taong giyera ng Iraq laban sa Islamic State (IS).

Nitong Sabado, mismong si Prime Minister Haider al-Abadi ang masayang nag-anunsyo sa kanilang pagkakapanalo sa laban sa nasabing jihadist group.

“Our force are in complete control of the Iraqi-Syrian border and I therefore announce the end of the war against Daesh (IS),” ani Abadi sa isang press conference sa Baghdad.

“Our enemy wanted to kill our civilization, but we have won through our unity and our determination. We have triumphed in little time,” diin pa niya.

Habang nagdiriwang ang mga sundalo matapos ideklara ang public holiday, sinabi naman ni Abadi na ang susunod nilang laban ay ang pagsugpo sa korapsiyon.

Ikinatuwa din ng US State Department ang pagtatapos ng pananakop ng IS sa Iraq subalit hindi pa nila itinuturing na tapos na ang paghahasik ng lagim ng jihadist group.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy