Una sa Balita

Giyera laban sa kagutuman epektib – Palasyo

By
0 356

Ikinalulugod ng Malacañang ang inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) kung saan bumaba sa 9.5% ang bilang ng mga Pilipinong nakakaranas ng kagutuman sa unang quarter ng 2019.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maganda ang umpisa ng taon dahil naramdaman na ang bunga ng pagsisikap ng Duterte administration para sa mga Pilipino.

Resulta aniya ito ng tapat na pagsisikap  ni Pangulong Rodrigo Duterte na masolusyonan ang pagtaas ng presyo ng mga mga bilihin at pabilisin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan.

 “We wish to point out that hunger incidence declined in Metro Manila to 6.6% from 18.3% last December 2018 to 11.7% last month. The polling firm SWS said this is the first in four consecutive quarters that there was a decrease in Metro Manila’s hunger incidence,” ani Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na kahit mara­m­ing Pilipino pa rin ang nananatiling mahirap, nagpapatuloy ang pagsisikap ng Presidente na paunlarin ang socio-economic status ng mga Pilipino para sa ikauunlad ng pamumuhay ng mga ito.

Kabilang sa mga resulta ng political will ng Pangulo para sa mga Pilipino ay ang mga ipinapatupad na pro-poor programs sa ngayon gaya ng libreng edukasyon sa State Colleges and Universities, libreng irigasyon para sa mga magsasaka, school feeding program sa mga pampublikong paaralan, universal health care at iba pa.

“While many  Filipino families remain in poverty and continue to experience hunger, the Chief Executive has been  working tirelessly in improving the socioeconomic status of millions of Filipinos for them to lead a more comfortable, secure and prosperous life,” dagdag pa ni Panelo.

Sinabi pa ng kalihim na marami ng nagawa ang Presidente sa loob ng tatlong taon, at aasahang mas marami pa ang mapapakinabangan ng mga Pilipino sa nalalabing tatlong taong termino nito dahil sa pagiging maawain at workaholic nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy