Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Giyera kontra droga mas pinatindi sa Region 3

0 10

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Region 3 Director Brig. Gen. Valeriano de Leon sa lahat ng kapulisan sa Central Luzon na tugisin at arestuhin ang lahat ng sangkot sa droga…“maliit man ito o malaking isda”.

Ang kautusan ay ibinaba ni Gen. de Leon noong Sabado matapos mapatay ang dalawang anti-drug pulis ng Nueva Ecija ng mga armadong kalalakihan, Biyernes ng gabi.

“Hinala namin mga drug lords ang nasa likod ng pagpatay sa dalawa naming pulis”, ayon kay Gen. de Leon.

Dead on the spot sina P/SSG Allan Capinpin at P/SSG Aries Dichoso sa bakuran ng bahay ni Capinpin matapos paulanan ng bala ng ilang armadong kalalakihan.

Ayon kay de Leon, “may hinuli na tatlong bigtime drug dealer sina Capinpin at Dichoso isang araw bago sila pagbabarilin”.

Malaki ang kutob ng heneral na mga drug lords ang nagpapatay sa dalawang pulis.

Matapos naman ang all-out war order ni de Leon laban sa droga sa Region 3, tatlo ang agad ang naaresto sa Gerona, Tarlac, kabilang ang isang pulis.

Sampung sachet ng shabu ang nakuha kay P/CPL Geymar Orquero ng Tarlac City Police Station, Marvin Gadia, at Joel Umagat.

“Kabaro ka man o hindi, kung involved ka sa droga…game over ka na”, babala ni de Leon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.