Una sa Balita

Gitgitan sa 3-YO Group Race

0 266

BALIK ang karera sa San Laza­ro Leisure Park sa Carmona, Cavite ngayong araw ng Martes, pitong karera ang nakahain na magsisimula ng alas-6:45 ng gabi.

Pitong kabayo lang ang maglalaban sa 3-year-old Group Race pero tiyak na kalat ang bentahan sa 1,300-meta na takbuhan na pasibatin ang Race 2.

Posibleng maging top favo­rites sina Gatighan Island at Two Timer dahil ayon sa aral ng mga beteranong karerista­ ay magaganda ang ensayo ng dalawang nabanggit na kabayo.

“Maging liyamado man sina Gatighan Island at Two Timer eh hindi lalayo ang kanilang mga benta, para sa akin anybody’s race itong line-up nila.” patungkol ni karera veteran Ricardo Imperial sa Race 2.

Magbibigay ng magandang laban sina Iron Hook, Iikot Lang at Melody Amor.
Ang ibang kalahok ay sina Always Ready at My Dad Bo­gart.

Samantala, anim na kabayo naman ang mag-uunahan sa Condition Race ito’y sina Maybe This Time, Isangkahigsangtuka, Here And Beyond, Daanbantayan, Alta’s Charm at Rocking Star. (Elech Dawa)