Una sa Balita

Girltrends ng ‘Showtime’ kalait-lait gumiling

0 710

Pakalat-kalat ngayon sa social media ang dance production ng all-girl group na Girltrends kung saan kinanta nila ang “How Do You Sleep” ni Sam Smith sa “It’s Showtime”. Kapansin-pansin dito na halos hindi sabay-sabay ang kanilang dance steps.

Nag-trending nga sa social media ang video nila, at naungkat pa ang iba pang dance production nila gaya ng pagsayaw nila ng “Ddu-Ddu-Dddu” ng Blackpink na hindi rin nagkakasundo sa timing ang kanilang moves.

Dahil dito, marami ang bumatikos o pumuna sa performance ng mga miyembro ng Girltrends.

Nakumpara pa ang mga ito sa mga K-pop group na inspirasyon din ng grupo.
“Ang kalat! Di kayo magkasundo!”

“Tapos tatanongin niyo kami why stan Kpop than these Filipino girl group?”
“Girltrends??? Yung Totoo?”

‘Yan at marami pang iba ang reaksyon ng iba’t ibang fan sa social media kaugnay nga sa naging performance ng Girltrends. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy