Una sa Balita

‘Girlfriend ko si Melissa Gohing!’ – Rocco Nacino

By
0 3,798

Ang professional volleyball player na si Melissa Gohing ang girlfriend ngayon ni Rocco Nacino! Medyo matagal na rin ang relasyon ng dalawa, pero hindi pa nila masyadong inaamin ang tungkol sa bagay na ‘yon.

Noong tawagan ko nga last Friday si Rocco para tanungin tungkol doon ay hindi niya sinagot ang tawag ko, kaya ang duda ko ay may idea siya na tatanungin ko siya tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Melissa.

Eh, noon naman kasing walang tsikang may girlfriend na siya, palagi namang sumasagot si Rocco sa tuwing tinatawagan ko siya, huh!

Pero after ng more than two hours, si Rocco na ang mismong tumawag sa akin.

“Sorry, Kuya Jun, medyo busy kanina, may ginagawa,” sabi ng GMA 7 actor.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong ko na si Rocco tungkol sa kanila ni Melissa at inamin naman niyang, “We’re dating!”

Matagal na raw silang nagde-date ng nasabing volleyball player na dating DLSU (De La Salle University) Lady Spiker.

Sa pakikipagkuwentuhan ko kay Rocco, nabanggit ko sa kanya na kilala ko ng personal si Melissa at nakilala ko ang dalaga noong panahong karelasyon pa nito ang former DLSU Green Archers basketball player (na napunta sa Bulldogs ng National University) na si Matt Salem.

“Oo nga Kuya Jun, kilala ka nga raw ni Melissa,” sabi naman ni Rocco.

Naging comfortable naman si Rocco sa tsikahan namin dalawa lalo na nang sabihin ko na mabait si Melissa at masyadong maasikaso sa ex-boyfriend na si Matt noong silang dalawa pa.

Bago matapos ang usapan namin, inamin din ni Rocco na silang dalawa na talaga ni Melissa, pero hindi na nagdetalye pa tungkol sa kanilang relasyon.

“Actually, Kuya Jun, kaming dalawa na, pero hindi pa kasi talaga kami nagsasalita ng tungkol doon. Kapag may mga nagtatanong sa akin na mga kaibigan sa press, sinasabi ko lang na da­han-dahan lang muna ang pagsusulat ng tungkol doon,” sabi pa ni Rocco.

Sabi ko pa kay Rocco, masaya ako para sa kanilang dalawa ni Melissa dahil puro magagandang bagay naman ang naririnig ko tungkol sa da­lawa nang may iba pa nga itong karelasyon.

Samantala, kinumusta ko rin ang career ni Rocco at may gagawin daw siyang indie movie at sa isang lugar sa Japan nila isu-shoot ‘yon. Kaibigan daw niya ang producer ng pelikula, kaya tumutulong siya sa production mismo.

Teka nga pala! Going back to Rocco’s lovelife, ano kaya ang masasabi ni Sanya Lopez na na-link sa kanya tungkol sa bagay na ‘yon?

Noon kasing ginawa nila ang Encantadia ay sobrang close na silang dalawa at nang pagtambalin uli sila sa Haplos ay marami ang nag-akalang ang sister na ni Jak Roberto ang magiging bagong girlfriend ni Rocco, pero after magtapos ang kanilang afternoon series at nagtapos na rin ang sweetness nilang dalawa, ‘noh?!

Yasmien wagi sa ratings

Masaya si Yasmien Kurdi sa magandang feedback sa pilot week ng bago niyang afternoon series sa GMA 7, ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka. In fairness, panalo sila sa rating game sa katapat nilang mga teleserye sa ABS-CBN, huh!

Noong pilot episode nga nila, nag-overlap ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa dalawang shows ng Dos, kaya dalawa ang nakatapat nila, pero su­werte na sila nga ang mas tinutukan.

Ang creative department naman ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka ay mas nag-iisip pa raw ng mas maraming sub-plot para mas tutukan pa ang kanilang afternoon series.