Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ginto sa Olympics puntirya ni Suarez

0 274

GINTONG medalya na ang pipiliting sungkitin ni 2016 Rio Olympian Charly Suarez kapag nagkuwalipika muli sa quadrennial event na gaganapin ngayong taon sa Tokyo, Japan.

“Kung ipagkaloob ng Panginoon na makapasok, hindi ko na bibitawan ito. Kasi sayang ‘yung mga pagkakataon,” sabi ni Suarez, kasalukuyang nasa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna para sa bubble training kasama ang iba pang mga national boxing team member.

“Ang daming pinaghirapan mo, madaming ring nagtitiwala sa iyo, tapos hindi mo magawa ang best. So dapat gawin ko na ang best para makuha ang gold na minimithi ko.”

Magugunitang bigong makapagpasalubong ng karangalan sa bansa si Suarez noong 2016 Olympics nang ma-olats ito kay Joseph Cordina ng Great Britain via split decision.

Naghahanda Davao del Norte fighter sa Olympic qualifier sa Hunyo. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.