Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ginto nasungkit ng Pinoy photographer sa US

0 9

Nasungkit ng isang taga-Pangasinan ang gold sa isang international photography competition sa Los Angeles, California, USA.

Nabatid na si John Lorenzo Javier, 26, tubong Barangay Ariston West sa bayan ng Asingan town at pansamantalang nakatira sa Metro Manila ay nanalo ng first prize sa Professional One Shot – Our Times, New Normal category sa prestihiyosong International Photography Awards.

Si Javier ay nagtatrabaho bilang photographer sa CNN Philippines Life.

Nalaman na ang IPA ay annual award na kahalintulad ng Lucie Awards Gala, na kumikilala sa mga achievements sa field of photography.

Naka-feature sa entry na “Aquarium” ni Javier ang isang market vendor na nasa loob ng plastic barrier para maprotektahan siya at kanyang mga customer laban sa COVID-19. Ang kuha ay sa public market ng Las Pinas noong Marso 29,2020.

Nabatid na 80 photography experts ang tumayong IPA Jury panel.

Tumanggap rin si Javier ng $500 cash na premyo sa naturang kategorya. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.