Una sa Balita

Ginto na ang presyo ng tubig next year!

By
0 11

Ginto na ang presyo ng tubig sa susunod na taon kaya hindi napigilan ang mga water concessionaire sa kanilang planong magtaas ng singil ng tatlo hanggang apat na beses ang laki sa kasalukuyang presyo.

Ito ang isiniwalat ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kung saan kinastigo rin nito ang pananahimik ng gobyerno sa sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis kung saan sumabay din ang Manila Electric Company.

Ayon kay Casilao, ang kasalukuyang singil ng Maynilad sa bawat cubic ng tubig ay umaabot ng P9.69 subalit sa susunod na taon ay magiging P34.51 na ito habang magiging P24.80 per cubic naman ang planong ipatupad ng Manila Water mula sa kasalukuyang P8.30 per cubic.

Hindi aniya kakayanin ng mga consumers ang presyong ito ng tubig kapag hindi napigilan ang Maynilad at Manila Waters sa kanilang planong water race increase sa susunod na taon kaya dapat gumawa ng paraan ang gobyerno.

“Poor sectors and ordinary con­sumers have been hurting on rate hikes of utilities and petroleum products,” ayon pa sa mambabatas dahil sa presyo ng langis, kumabig umano ang mga oil companies sa kanilang taas-babang presyo.