Una sa Balita

Gins ilag sa TNT bigs

By
0 13

Laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
7 p.m. — Ginebra vs. TNT

Si Ginebra coach Tim Cone mismo ang umamin, hirap sila sa teams na mas maliliit pero higit na mabibilis.

“We didn’t have much difficulty matching up with San Miguel because they’re big also with June Mar (Fajardo),” ani Cone pagkatapos dispatsahin ang SMB 104-84 noong Miyerkules.

“But it’s tougher for us against TNT or Rain or Shine because they’re quick and they have shooting bigs. We’re still exploring how to best handle that” dagdag ni Cone.

Kung sapat ang dalawang araw para makahanap ng solusyon at mapino ito sa praktis ng Kings ay malalaman sa pakikipagharap nila sa KaTropa ngayong gabi sa umpisa ng kanilang PBA Governors’ Cup semifinals series sa Smart Araneta Coliseum.

Parang nagsalita si TNT coach Nash Racela para kay Cone nang kanyang sumahin ang umpisa ng best-of-five duel: “Game 1 in a series is always important.” 

Kumpara sa Ginebra, parang mas pagod ang TNT na nangailangan ng dalawang dikdikang laro bago tapusin ang Rain or Shine sa kanilang sariling quarterfinals matchup na nagtapos lang noong Sabado.

“Despite having minimal time to prepare, we’ll try our best to counter Ginebra’s schemes,” wika niya.

May halong paghihiganti ang Ginebra sa serye dahil tinambakan sila ng TNT 121-92, noong Sept. 23 at nag-No. 2 ang Ka Tropa sa quarters, No. 3 lang ang Kings.