Una sa Balita

Ginebra San Miguel 3-on-3 dumribol na

0 1,737

BINISITA ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings na sina Jervy Cruz, Greg Slaughte­r at Arth dela Cruz ang mga kalahok sa Ginebr­a San Miguel 3-on-3 Tournament na ini­lunsad sa Taguig City kamakailan.

Ang mananalong koponan sa Taguig City ay haharap sa iba pang mga kalahok mula sa Caloocan, General Santos City, Iloilo, Davao, Cebu, Palawan, Leyte, Albay, Nueva Ecija, Bataan, Bulacan, Laguna­, Tarlac, Pampanga at Quezon sa National Finals na gaganapin sa Hunyo 15 sa Robinsons Place Manila.

Ang dalawang finalis­t naman ay magtutunggali sa champion­ship na gaganapin sa Hunyo 17 sa Araneta Coliseum.

Ang tatanghaling kampeon sa 3-on-3 National Finals ay makatatanggap ng cash prize na P50,000, samantalang P25,000 naman ang mapupunta sa runner-up.

Para sa mga karagdagang detalye, bisitahin ang official Facebook page ng Ginebra San Miguel sa www.facebook.com/barangayginebra o ang website na www.ginebra.com.ph.