Una sa Balita

Ginebra naunahan lang ng Magnolia — Cone

By
0 778

Ano’ng nangyari sa Ginebra at naputol agad ang three-peat bid sa PBA Governors Cup?

Naunahan daw sila ng Magnolia Pambansang Manok, ayon kay Gin Kings coach Tim Cone.

“They obviously outplayed us,” ani Cone pagkatapos ng 112-108 loss ng Gins sa Hotshots sa Game 4 ng semifinals Biyernes ng gabi sa Antipolo.

Yumuko ang Ginebra sa series 3-1, at natapos ang dalawang taong paghahari sa season-ending conference.

Si Cone ang huling naghatid sa kampeonato sa Magnolia, ang grand slam noong 2014 habang kilala pa ang team bilang San Mig Coffee Mixers.

Bago ang Final Four series ay 7-0 ang Gins kontra Hotshots, kabilang ang nag-iisang pagtatapat sa eliminations. Mukhang napag-aralan sila ni coach Chito Victolero.

“They outplayed us from the first minute of the series all the way down,” dagdag ni Cone.

Sa eliminations ay 10 lang halos ang ginagamit sa rotation ni Cone, pero nagawa pang mag-top seed ng Ginebra sa 9-2 win-loss card.

Kumpleto na ang Gins, may Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Sol Mercado, nakabalik din si Joe Devance pero hindi nakaporma. Pati si Justin Brownlee na sukatan ng imports sa torneo, naubusan sa dulo ng Game 4.