Una sa Balita

Ginebra naalarma,‘wag lang iasa kay Brownlee

By
0 836

MUKHANG nagi­sing na ang Ginebra sa katotohanan na hindi sila dapat umasa lang kay Justin Brownlee sa opensa.

Sa dalawang tambakang talo ng Gin Kings kontra San Miguel Beers sa PBA Commissioner’s Cup Finals, si Brownlee lang halos ang bumalikat sa scoring.

Sa 134-109 loss noong Game 2, may 29 points si Brownlee, limang player pa ni Tim Cone ang umiskor ng 11 pataas pero karamihan ay dumating na nang halos nadesisyunan na ang panalo ng Beermen.

Sa Game 3 ay kumana ang Best Import of the Conference ng 32 pero tanging ang 12 ni veteran Mark Caguioa na lang ang nakaayuda sa kanya at naluray ang Ginebra, 132-94.

Pagdating ng Game 4 noong Biyernes, nag­liyab agad ang mga local ng Gins, nagpundar ng 17-0 lead at mula roon ay hindi na lu­mingon para itakbo ang wire-to-wire 130-100 blowout win din na nagtabla sa best-of-se­ven series sa 2-2.

Sa first quarter lang ay may 11 si Greg Slaughter, 8 kay LA Tenorio. Ginanahan si Brownlee, may 21 na pagkatapos ng dalawang yugto, double figures na rin sina Tenorio, Slaughter at Joe Devance para ilayo ang Ginebra 67-52.

“We moved the ball around more, got a lot more people involved and the result was a win,” suma ni Slaughter na tumapos ng 19 points, eight rebounds at three blocks.

Kita ang ganda ng ikot ng bola ng Gineb­ra sa binigay na 36 assists, walo rito ay mula kay Scottie Thompson at anim kay Tenorio, kumpara sa 22 ng SMB. Lamang din sila sa fast break points 20-6.  

“We cannot be Justin-reliant, ‘di dapat kami mag-relay kay Justin sa offense,” ani Tenorio. “He’s been great the whole series, but we cannot rely on that.”