Una sa Balita

GINEBRA, MERALCO UNAHAN SA 2-1

By
LA Tenorio at Baser Amer
0 1

Game 3 ngayon:
(Smart Araneta Co­liseum)

7:00 p.m. — Ginebra vs. Meralco

Karerahan sa 2-1 lead sa krusyal na Game Three ngayong ala-siete ng gabi ang Ginebra at Meralco sa patuloy na blockbuster na PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Nakabuena-mano ang Meralco sa pagbangon sa third quarter 16-point deficit tungo sa 114-109 overtime win nung ­Biyernes.

Dinala sa one-all deadlock ng Ginebra ang serye nang makabentahe ng 15 sa third period tungo sa pagtakbo ng 82-79 decision nung Linggo.

Sinira ng Ginebra ang nakatakda sanang makumpletong magarang gabi ng Meralco, lalo na nina Allen Durham na bago mag-jumpball ng Game Two ay nag-uwi ng Best Import award samantalang pinalitan na ni Jimmy Alapag si Allan Caidic bilang all-time most 3-point shots media leader sa 1,243 conversion.

Tinauban ng mesa ni Justin Brownlee si Durham sa paglaklak  ng 32 points at 12 rebounds ng una kumpara sa 22 at 15 ng huli tapos maka-46 markers sa opener.

Naka-12-puntos si Sol Mercado at may 10 si Mark Caguioa sa pag-alalay kay Brownlee.

Mayroong twin-twin job din si Cliff Hodge na 16 pts. at 11 boards, at si Chris Newsome ay naka-10 pts. para sa walang saysay na saklolo kay Durham.

“We were unfortunate to lose Game 1 but in many ways was lucky to win Game 2,” ani Tim Cone.  “Now the winner of Game 3 will be in a position to dictate the rest of the season. That makes Game 3 crucial to both teams.”

Sang-ayon si Norman Black sa Gin Kings coach.

“It’s down to a best of five so getting win No. two is very important. Offensively we must do a better job of spacing the floor to give Durham more room to move vs. their sagging defense,” anang Bolts coach.