Una sa Balita

Ginebra GINUTAY ang Blackwater

By
0 612

Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – Phoenix vs. Rain or Shine
6:45 pm – Magnolia vs. SMB

Nakakuha rin ng back-to-back wins ang Ginebra, sa road game pa.

Humarabas ang Ginebra sa kalagitnaan ng first quarter para itumba ang Blackwater, 85-67, sa Petron Saturday Special ng PBA Philippine Cup sa Davao del Sur Coliseum kagabi.

Nasundan ng Gins ang 97-85 win sa Columbian noong Sabado rin para ia­ngat ang win-loss record sa 3-2. Nabaon sa 1-5 ang Elite.

Inumpisahan ng Elite ang laro sa 7-1 lead pero nang nag-init si Greg Slaughter ay kumalas ang Ginebra.
Kinamada ng 7-foot giant ang walo sa first 10 points ng Gins, dinagdagan ng 8 points din ni Kevin Ferrer tampok ang dalawang 3-pointers nang tapusin ng hukbo ni Tim Cone ang period 22-12.

Pumasok sa break ang Ginebra na bitbit ang 44-28 lead, pinabuka hanggang 68-44 sa split free throws ni Ferrer bago natapos ang third.

Inalagaan na lang ng Ginebra ang lead sa fourth.

Samantala, magsasalubong ng landas ang Magnolia Pambansang Manok at San Miguel Beer sa rematch ng nakaraang taong PBA Philippine Cup.

Second game ang 0-1 Hotshots at 3-3 Beermen sa Smart Araneta Coliseum mamaya, pagkatapos pag-agawan ng league-leaders Phoenix (5-0) at Rain or Shine (5-1) ang solo first.

Sa limang laro lang kinalos ng Beermen ang Hotshots sa kampeonato ng nakaraang all-Filipino.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy