Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ginebra chill kay Pringle

0 81

Mga Laro Ngayon: (MOA Arena)
3:00pm — Phoenix vs Magnolia
6:00pm — SMB vs Ginebra

Bago pumunta ng US para maging assistant coach ng Miami Heat sa NBA Summer League, mamanduhan muna ni coach Tim Cone ang Ginebra laban sa San Miguel Beer sa tampok na laro ng PBA Philippine Cup double-header sa MOA Arena ngayon.

Galing ang Gins sa 83-75 win kontra NLEX nitong Miyerkoles sa Pasay venue rin.

Buhay na buhay ang Never Say Die nitong huli, nabaon ng hanggang 19 points ang crowd favorites pero umahon.

Nakumpleto nila ang come-from-behind win kahit wala si Stanley Pringle na ayon kay Cone ay day-to-day pa rin dahil sa right hamstring strain.

“He’s doing daily therapy, it’s a hamstring,” balita ni Cone sa estado ng Fil-Am guard. “A grade one (strain).”

Ayaw rin nilang biglain si 35-year-old Pingris.

“The only problem with hamstrings is that it’s so common to re-strain them,” dagdag ng winningest coach ng liga. “That’s what we’re trying to prevent. We don’t want him to get back too early, then re-strain it in a worse way.”

Rumesponde sina Japeth Aguilar, Arvin Tolentino at LA Tenorio para hatakin sa 3-1 card ang Gins, nasa second place sa standing sa likod ng unbeaten Beermen (3-0).

Galing ang SMB sa 87-81 win kontra Magnolia noong Biyernes sa likod ng 19 points ni Mo Tautuaa at 15 points, 12 rebounds, 5 assists ni CJ Perez. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.